Wednesday, July 8, 2009

Yeah?

It's been a while when I type something in here.

I'm too busy in everything. Yeah, I guess.

Blogging never occur to me these past few days and it's a miracle! Can you believe that? Me too, I can't!

I've made my not-so-important decision.

I quit.

I guess I'll be seeing you 5 years or 10 years from now in this blogging world.

I realized that I can write something sensible if I had the experience, IF I HAVE THE EXPERIENCE.

So? So long...

Wednesday, June 24, 2009

Mother, mother... tell the dentist i am sick

Yung bagang kong pabigat sa bibig kong minsan lang mawalan ng laman ay sumasakit. Ilang buwan ko na ring tinitiis yung sakit. Twice or thrice lang ata ako nag-take ng mefenamic acid para maibsan ang nararamdaman kong pain.
Kaya, ngayong Miyerkules, nagpunta ako sa dentista para ipatanggal na ang isa sa mga sagabal sa pagkain, pagsasalita, at page-emote ko.
Kinakabahan ako malamang. Naramdaman ko na kasi ang mabunutan ng bagang---ulit--- nang hindi tumatalab ang anesthesia. Masakit. Oo, masakit. Hindi ko ma-describe. Basta ang naalala ko lang non ay iyak ako ng iyak. Hindi ako natigil sa pag-iyak hanggang sa makauwi ako. Imagine? Yung last time ko kasing pagpapabunot ng bagang ay may nana. Hindi ko naman kasi alam. At nakakatatlong anesthesia na ang dentista ko kaya sabi niya tiisin ko na lang daw. Kapag naman natanggal yun, wala na akong mararamdaman sa susunod. Naniwala ako sa kanya. Totoo naman, kaya lang hindi talaga ako maka-move on sa pangyayaring yun sa buhay ko.
Kaya nang dumayo na naman ako sa clinic niya, hindi pa ako nakaka-upo sa mahiwagang upuan na parang kama, naluluha-luha na ako. Kasama ko nga pala yung tita ko pati yung anak niya--- papasikipan kasi nila yung retainer ng pinsan ko. Nagpapasala na lang ako sa kadaldalan ng tita ko para hindi na ako kabahan.
Tinanong ako ni doktora kung sumasakit pa ba. Sabi ko, kagabi po hindi, nakatulog nga po ako... Pero nung tumuntong ako sa clinic niya, nagbabadya yung sakit ng ngipin ko. Hindi ko alam kung nasa isip ko lang yun o talagang sumasakit na...
Pinapasok niya ako at pina-relax-relax dun sa kanyang---hindi ko alam kung anong tawag dun sa upuan na pang-dentista---igu-google ko muna...---ayun, dental chair... Pinaupo niya ako sa kanyang dental chair. Kabado na talaga ako. Nangingilid na nga yung luha ko...
Nang itapat niya yung ilaw sa akin, hindi ko na napigilan ang maiyak. Hindi naman sa humahagulgol no? Yung naluluha na pilit ngumingiti. Mukang tanga lang 'di ba? LOL. Sabi niya, hindi pa nga nag-uumpisa, umiiyak na ako. Sabi ko naman, eh kasi po baka masakit eh. Hindi naman na siya nagtaka, naramdaman ko na daw kasi. Mas masakit pa kaya yun kesa nung sumasakit yung ngipin ko. Naisip ko nga na sana hindi na lang ako nagpabunot. Pero ok na.
Naka-apat na anesthesia ata siya. Tig-dalawa sa side ng gums... Inside at outside. Nakapikit ako. Nanginginig hindi dahil sa lamig, kundi sa kaba. Dumidilat ako kapag nararamdaman kong wala na yung kamay niya sa loob ng bibig ko. Nakita ko nga yung apat na syringe na may lamang anesthesia. After non, nakita ko na yung hawak niyang parang plies na pang-ngipin... Naiiyak talaga ako... Nakarinig ako ng cling-clang... something like that. Tinanong niya kung masakit, umiling ako... Ginalaw-galaw na naman niya yung plies para sa bagang, tinanong ulit ako kung masakit. Umiling ako ulit bilang pagtugon. Tapos sabi niya wala daw nana kaya wag na daw akong umiyak.
Kaya ayun, umuwi ako nang may makapal na kalahating nguso at may malalim na sugat. ^^
Sige, mamaya na... Manonood pa ako ng Bud Brothers...
^^

Tuesday, June 16, 2009

History of an Historian..

Na-meet namin ang aming professor sa Heograpiya at Kasaysayan ng Pilipinas. Isa't kalahating oras na siyang late, dumating pa.



Syempre, hindi mawawala ang first impressions. Lagi na lang bang uugod-ugod ang mga professor na ibibigay nila sa atin ngayong sem? Bagay na bagay ang subject na ituturo ni ma'am, mukha siyang history. Siguro, kaya na-late si ma'am kasi nahirapan siyang umakyat, baka out-of-service na naman ang elevator. Hindi, kaya na-late si ma'am baka na-late nang gising dahil nilamig, nag-trigger sa kanyang athritis.---Eto ang mga hinaing nang mga klasmeyt ko at kuro-kuro nang dumating ang aming professor.


Isang maliit na babae na niluma na nang panahon. Desente. Mukhang boring. Mas mahilig makinig kesa magsalita, hindi kasi ganon kalakas yung boses niya. That's my first impression to her.



Hindi kami makapaniwala na humabol pa si ma'am na kung tutuusin, eh, absent na siya sa klase namin dahil isa't kalahating oras na siyang late. Sabi ko na lang sa kanila, pabayaan ni'yo na ganyan na talaga kapag matanda. Kasi naghintay rin naman kami eh. Bakit hindi pagbigyan? 'Di ba?



Ayun, binilang niya kami per head. Tapos bumulong yung isa kong kaklase, igagalaw-galaw ni'yo yung ulo ni'yo para mahilo si ma'am. Para umulit siya nang bilang. Natawa ako sa sinabi niya. Hindi naman halatang may lihim na siyang galit simula pa lang nang klase. Hahaha.



Ayun, nagbigay nang konting introduction tungkol sa tatalakayin naming asignatura. At napag-alaman namin na isa siyang abogado. Sosyalin si ma'am. Tapos nagpaumanhin naman siya sa amin sa kanyang pagkaka-late dahil ang dahilan niya, fully-booked daw siya mula 8:30 ng umaga hanggang lunch. Anong magagawa namin. Eh, mas mahalaga yung trabaho niyang iyon. Kumbaga, sideline lang ang pagtuturo. ^^ Okay lang naman sa akin eh.

Monday, June 15, 2009

Nakakakabang Umpisa...

Umpisang-umpisa nang klase, may mga sumambulat na sa harapan ko. Pangako ko sa sarili ko na mag-aaral na ako nang mabuti simula ngayon hanggang wakas... Kaya lang...

Professor ko ulit yung naging professor namin sa Physics 1 last sem ngayong sem. Magtuturo siya ng Physics 2 sa amin. At dahil umpisa pa lang nang klase, ayaw munang magpa-lecture ng klase namin. Hahaha. Tigatig kaming sophomores, at least we're HANES... hindi pa kami ganon nakaka-rekober sa aming hiatus, lalung-lalo na ako na isang buwan lang ang hiatus ko. Na-enjoy ko naman ang one-month long vacation pero hindi ganon ka-enjoy. Enjoy lang, hindi ENJOOOOOIIII!!! Alam mo yung difference???

At! hindi lang yun ang nangyari. Wala pa kasing alas-nwebe ang oras, nang sabihin niyang: "Kung ididismiss ko kayo nang ganito kaaga, wala pang 10:30 o 9:30 pa nga, baka dumaan yung Checker [ang dakilang checker], eh, baka mabawas sa sweldo ko---wala na nga akong sinasahod. Kaya magtanong na lang kayo sa akin ng kahit anong tanong." Walang gustong magtanong dahil wala namang itatanong, kaya--- nag-lecture siya... Eto na ata ang pinakamahaba at pinakawalang-kwentang lecture na narinig ko sa isang Physics professor. Siguro, after niyang sabihin na: ''Ang Iglesia Katolika ang tunay na Iglesia," sumunod na narinig ko ay puro na lang "Blah-blah-BLAH-bLaH-BlAh-blahblah-blaH-blAh-bLah...[and so on and so forth]"

Eto kasing professor kong ito, masyado siyang stick sa religion niyang pangalanan na lang nating Mapagsamba sa diosa-diosan[Msd for short]. Tapos ang dami-dami niyang sinasabi. Tapos ang dami naming gustong tumutol sa kanya---bilang klase na nahahati-hati nang mga pinaniniwalaan, nang pinaninindigan, madaming gustong murahin siya nang harap-harapan---kaya lang hindi nila kayang gawin dahil isa lang silang estupidyante na aasa sa isang katulad niya para magakaroon nang magandang numerong mamarka nang buong pagkatao nila bago nila lisanin ang bahagi ng buhay nilang iyon. Anong laban nila, 'di ba?

Hindi kami nagkaron nang klase sa sumunod naming klase dahil hindi sumipot yung professor namin. Kaya pumunta na kami sa next class namin after naming maghintay nang halos tatlong oras dun sa paimportanteng professor namin na hindi man lang nagpasabing hindi siya pupunta. Hahaha.

PE. Isa pa ito. Kinakabahan ako nang hindi ko alam kung bakit. Yun pala, yung guro namin, isa ring tao na iba sa pinaniniwalaan ko. Pangalanan na lang natin ang kaniyang relihiyon na Taas-kamay, pikit-mata[Tkpm for short]. Naku, sa loob nang kulang 30 minutos, 'natanggap' na daw nila si Kristo sa kanilang mga puso. Natawa ako sa loob-loob ko at sumigaw [sa loob-loob ko] na isang malaking KALOKOHAN ang araw na ito.

Ang guro ko naman na ito, tutol sa Iglesia Katolika. Natawa ulit ako sa loob-loob ko, napaisip kung kilala ba siya nang Physics professor ko at alam na handle niya kami. Kung nakakabulag lang talaga physically ang mga salita nang dalawa kong propesor, kanina pa nangangapa ang mga klasmeyt ko pauwi sa kanilang mga bahay... Naku.

Kaya nga naghahanda na ako para sa mga susunod na diskusyon... Maipagtanggol ko man lang ang Iglesiang kinabibilingan ko...


Sunday, June 14, 2009

Aspiring... Yes. Trying Hard? Kind of.

Naghahanap ako nang hobby. Haha. Ngayon pa ako nagbalak kung kailan magiging busy na naman talaga ako sa 'pag-aaral' ko.

Unfortunately, hindi ko muna magagamit yung Canon Ixus80IS kasi nasira yung charger. Thanks to someone, pumutok yung charger dahil naihian niya. Kaya ayun.

Andami ko ngang balak, eh. Kaya lang, hindi ata kaloob kasi laging nauudlot. Pansin ko lang talaga.

Kaya heto na naman ako. Nambubuwisit sa mama kong hindi na nasanay. Pinakekelaman ko na naman daw yung isang camera. Film-type. Pentax MZ-50. Hindi nga nila ako mapaalis sa harap ng computer kasi nagreresearch ako tungkol sa MZ-50. Wala kasi akong masyadong alam.

Ngayong matutulog na ako, alam kong wala akong masyadong natutunan, pero at least may konti akong nalaman. There's a big difference.

Saturday, June 6, 2009

A little bit of lightning and thunder

Hindi maganda ang salubong ng Hunyo. Ang pabugso-bugsong pag-ulan ay hindi maganda para sa aking kalusugan. LOL


Naglaba ako kahapon, inutusan ako ni mama. Wala naman akong magawa dahil naaawa na rin ako sa kanya. Kaya hayun, konting kusot, konting banlaw, konting paikot nang washing-machine at natapos rin ako bago umere ang Bud Brothers :D.


But before that, umulan---hindi ko alam kung tamang term ang 'bumagyo' dahil may kasamang hangin yung ulan... Naligo ako kasama ang ilan kong mga pinsan at tita. Doon lang kami sa tapat nang bahay. Kahapon ko lang ulit naranasan ang maligo sa ulan---yung tipong gusto ko talagang maligo... :) most of the time kasi, wala akong dalang payong kaya ako nababasa nang ulan.


Natutuwa ako dahil sa makailang guhit ng kidlat sa kalangitan. Hindi ko alam kung bakit nagdudulot ng ligaya sa akin ang makakita ng kidlat. Ang ayaw ko lang ay ang kulog.

Wapakets.

Friday, June 5, 2009

Disturbing...

Pagtapos kong panuorin yung Great Expectations, hindi talaga maalis sa isipan ko yung kissing scene nung dalawang bata... HEEELP!!!
Para madisturb ka rin [hindi naman siya ganun ka-disturbing], panuorin mo yung clip.
Oo na. Sige na. Alam ko na ang sasabihin mo: "Parang 'yun lang. Ay sus!"
Para sa akin, hindi yun "parang yun lang." Ugh. Gumagana na naman kasi yung "lascivious mind" ko. I want to turn it off. I really want to turn it off. Kaya lang, mukhang sira yung On-Off Switch, eh. :(( HELP!
Once na gumana yung makamundo kong utak, hindi na ito titigil. Mag-iisip na ito nang mag-iisip nang masasamang bagay---which is hindi maganda para sa aking emotional at mental... Nakakainis.
Alam ko kung ano yung nag-trigger sa utak ko, bakit hindi siya maalis-alis... Ikaw? Kung napanood mo man 'yun? Alam mo rin ba?
Innocence
Intimacy
Chemistry
I hate it, you know? Huhuhuhu