Yung bagang kong pabigat sa bibig kong minsan lang mawalan ng laman ay sumasakit. Ilang buwan ko na ring tinitiis yung sakit. Twice or thrice lang ata ako nag-take ng mefenamic acid para maibsan ang nararamdaman kong pain.
Kaya, ngayong Miyerkules, nagpunta ako sa dentista para ipatanggal na ang isa sa mga sagabal sa pagkain, pagsasalita, at page-emote ko.
Kinakabahan ako malamang. Naramdaman ko na kasi ang mabunutan ng bagang---ulit--- nang hindi tumatalab ang anesthesia. Masakit. Oo, masakit. Hindi ko ma-describe. Basta ang naalala ko lang non ay iyak ako ng iyak. Hindi ako natigil sa pag-iyak hanggang sa makauwi ako. Imagine? Yung last time ko kasing pagpapabunot ng bagang ay may nana. Hindi ko naman kasi alam. At nakakatatlong anesthesia na ang dentista ko kaya sabi niya tiisin ko na lang daw. Kapag naman natanggal yun, wala na akong mararamdaman sa susunod. Naniwala ako sa kanya. Totoo naman, kaya lang hindi talaga ako maka-move on sa pangyayaring yun sa buhay ko.
Kaya nang dumayo na naman ako sa clinic niya, hindi pa ako nakaka-upo sa mahiwagang upuan na parang kama, naluluha-luha na ako. Kasama ko nga pala yung tita ko pati yung anak niya--- papasikipan kasi nila yung retainer ng pinsan ko. Nagpapasala na lang ako sa kadaldalan ng tita ko para hindi na ako kabahan.
Tinanong ako ni doktora kung sumasakit pa ba. Sabi ko, kagabi po hindi, nakatulog nga po ako... Pero nung tumuntong ako sa clinic niya, nagbabadya yung sakit ng ngipin ko. Hindi ko alam kung nasa isip ko lang yun o talagang sumasakit na...
Pinapasok niya ako at pina-relax-relax dun sa kanyang---hindi ko alam kung anong tawag dun sa upuan na pang-dentista---igu-google ko muna...---ayun, dental chair... Pinaupo niya ako sa kanyang dental chair. Kabado na talaga ako. Nangingilid na nga yung luha ko...
Nang itapat niya yung ilaw sa akin, hindi ko na napigilan ang maiyak. Hindi naman sa humahagulgol no? Yung naluluha na pilit ngumingiti. Mukang tanga lang 'di ba? LOL. Sabi niya, hindi pa nga nag-uumpisa, umiiyak na ako. Sabi ko naman, eh kasi po baka masakit eh. Hindi naman na siya nagtaka, naramdaman ko na daw kasi. Mas masakit pa kaya yun kesa nung sumasakit yung ngipin ko. Naisip ko nga na sana hindi na lang ako nagpabunot. Pero ok na.
Naka-apat na anesthesia ata siya. Tig-dalawa sa side ng gums... Inside at outside. Nakapikit ako. Nanginginig hindi dahil sa lamig, kundi sa kaba. Dumidilat ako kapag nararamdaman kong wala na yung kamay niya sa loob ng bibig ko. Nakita ko nga yung apat na syringe na may lamang anesthesia. After non, nakita ko na yung hawak niyang parang plies na pang-ngipin... Naiiyak talaga ako... Nakarinig ako ng cling-clang... something like that. Tinanong niya kung masakit, umiling ako... Ginalaw-galaw na naman niya yung plies para sa bagang, tinanong ulit ako kung masakit. Umiling ako ulit bilang pagtugon. Tapos sabi niya wala daw nana kaya wag na daw akong umiyak.
Kaya ayun, umuwi ako nang may makapal na kalahating nguso at may malalim na sugat. ^^
Sige, mamaya na... Manonood pa ako ng Bud Brothers...
^^
